FANDOM


a Blackboard na’to, magsusulat ako.

Magsusulat sana ako.

Kung bakit naman kasi napudpud agad ang chalk na gamit ko sa pagmamakinilya kahapon. Oo, kahapon. Kahapon pa nga ‘yun. Kahapon ko pa nga natapos lahat ng sinusulat ngayon dito. Kaya nga heto’t nagsipagsibol na nga’t nagsipagtubo ang letra at salita sa blackboard kong ito, pero kung ano nga ba talaga ang isusulat sana, bukas pa lang kasi magbubunga. Ngayon ko lang kasi naisip na dapat pala kahapon ko pa sana sinulat para sana ngayon na binabasa.

BINABASA?

Ano ba ‘yan? Tuyung-tuyo na pala ang labi ko sa tagal kong di nagsasalita. Buti nalang malapit lang ang dila.

Buti pa magkape muna kaya. . ? Tama! Sa umuusok na tasa, baka tumulis uli ang chalk ng blackboard ko. Kahapon pa nga pala kumukulo yung tubig na isinalang ko kalan. At kalan ko na ba huling nilunok yung huling lagok ng kape?

KALAN?

Ahhh, oo, kahapon. Kung kalan man yung kahapon na yun. Basta nauna nang kumulu yung tubig wala pa yung I. Yung I na naiwan kahapon nang maginit ako ng tubig sa kala. Kaya ‘tong kape ko, ewan ba naman kung bakit color brown. At hindi lasang kape. Lasang chalkolate. Chalkkolate yata ‘to.

CHALK KO LATE.

Kapeng lasang chalkolate na kulay chalkolate. Hindi lasang kape. Hindi kulay kape. Parang itong blackboard na sinusulat ngayon dito. Blackboard na hindi kulay black.

Kung ngayon nga ba ang ngayon na galing sa kung saan pa mang kahapon, buti pa siguro magkape muna ako. Malalaman ko rin ‘yun. Malalaman din ‘yun bukas.

BUKAS.

Pagsikat ng araw sa hatinggabi, Para naman mabuo ang na araw ko.

Para naman MAISARADO na ang namumungay na nilang mga mata sa kahihintay kung kailan maghihikab ang buwan.

BUKAS na nga ba o sa isang BUWAN pa?

O baka sa isang tao pa? Kailan.. Kailan tutubo ang N para maitama na ang mga baybay ng titik at isinusulat kong bukas pa lang malalaman kung ngayon na nga dito mababasa.

Sa makababasa, hindi na mahalaga kung kailan ko pa ba isinulat ang binabasang sulat na ‘to na bukas pala ang paglalathala. Hanggat alam nga kung bakit dapat may paliwanag dapat dito sa BLACKBOARD na sinusulatan ngayon ng CHALK kong parang umuusok na kape pero lasang CHALKOLATE.

Bakit nga ba..? Paliwanag..? Madilim ba..?

Haaay, Naku! Sa ngayon, papahilot muna siguro ko.

Bukas na nga ‘to. Bukas na.

BUKAS NA.



MABUHAY!

Blogbloglagaboglagabogbogbogblog@wordpress.com

THE FALLEN ANGEL, Saero Encoder po!

add another page.

Share this: Press This Twitter Facebook Google Like this: Baguhin 4 thoughts on “Paliwanag”

kpublish OKTUBRE 31, 2013 BANDANG 9:17 HAPON (BAGUHIN) TUG ON. EWAN!

Tugon kpublish OKTUBRE 31, 2013 BANDANG 9:20 HAPON (BAGUHIN) Kuya,

Paki copyedit nalang. Tatamad akong mag SPELL check. Dami ka namang proof reader dyan. Paki nalang… Thanks!

APO SAERO

Tugon kpublish OKTUBRE 31, 2013 BANDANG 9:24 HAPON (BAGUHIN) never mind the SPELLING. Just know what you want to write. Just write it. Mali o tama ang SPELL, your ARTICLES will always mean the way you want it to mean. Tagalog man o English. Kahapon ngayon o bukas man kahapon. YOU KNOW YOUR PEN AND THAT’S ALL THAT MATTERS. WRITE, Ading… WRITE…!

MANONG SAERO

Tugon kpublish OKTUBRE 31, 2013 BANDANG 9:25 HAPON (BAGUHIN) RIGHT…!

APO LAKAY SAERO

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki