Sa Pagsising-Himig Ng Mga Titik Ng Tinikling At Ng Lumang Tipan
Tayo'y magsayaw irog ko ng Tinikling,
'Tulad ng sayaw ng Lolo't Lola natin,
Ang mga galaw kung 'di pagbubutihin,
Dalawang kawayan tayo'y iipitin.
Ang Bibliya ay nahahati sa dalawang aklat: And Luma at ang Bagong Tipan.
Sa kabila ng lantad na katotohanang hayag sa mga dahon ng kasaysayan, nakapagtatakang parang walang nakababatid na walang nais na ang katotohanang yaon ay punahin pa. Kahit pa nga pag-usapa'y hindi kailan man naging paksa ng nino mang katanungan.
Katotohanan: Ang Lumang Tipan na inilimbag lamang sa mismong panahon ng limbagin ang Bagong Tipan. Dahil sa elemento ng panahon ng kalimbagan, masasabing hindi kailan man umiral ang batas ng Lumang Tipan dahil nga ng ito'y limbagin ay kasaba'y na ring nilimbag ang bagong kasulatang hahalili sa mga tagubilin nito.
Tulad ng titik ng Pambansang Sayaw ng Pilipinas, may nakapupuna kaya sa atin na ang letra ng awit ay naisulat hindi kasabay ng himig. Ang himig bilang malaon nang inaawat bago ito malapatan ng titik.
Ayon sa letra, ang tinikling ay SAYAW NG LOLO'T LOLA NATIN. Batay sa paglalahad ng manunulat, isinulat niya ang titik ng awit na yaon ay malaon nang sinasayaw hindi sa kasalukuyang kapanahunan niya bagkus ay sa nakalipas na henerasyon.
Ang komposisyon ng isang awit ay laging sariwa at bago sa panahon ng una itong maging uso. Sa gayong batayan, kaiba ang Tinikling. Ito ay laganap na sa panahong tuklasin ng manunulat ang mga titik nito.