Malungkot ang melodyang tugtog ng armonyum ni Padre Florentino ng datngan ito ni Simoun ng gabing iyon. Totoo sa kanyang hinala, hindi na kinailangan pa ng paring itanong sa
KAHALAWAN
|
|
Based on the novel 'El Filibusterismo by Dr. Jose Rizal. Reference to the text is used in this story as a form of literary adaptation. A generally accepted and legitimate literary genre, citation of the foregoing does not in anyway intend to infringe copyright title and/or any such other intellectual property rights pertinent the above named author.
|
|
binata ang batid na niyang naging kalagayan nito. Na matapos matanggap ang telegramang nagsasaad nang napipintong pagdakip kay Simoun, tumalilis siyang umiwas sa pagtakas mula sa mga tumutugis na kawal.
Malubha ang kalagayan ng binata. At nang matapos ang pagtugtog ng armonyum, nabuo sa isip ni Padre Florentino ang pagkakatanto na uminom nga ng lason si Simooun. Tinangka ng pari ng hanapan siya ng lunas ngunit pasigaw siyang inawat nito sa pagsasabing mamamatay siyang kimkim ang ang kanyang lihim. Walang nagawa si Padre Florentino kundi ang lumuhod na lamang sa kanyang reclinatorio at nanalangin sa paanan ng imahe ni Hesukristo habang buong taimtim na nakinig at nag-abang sa maaari pang itatagubilin ni Simoun.
Sa marahan at panatag na tinig, nagpasimulang magsalaysay ang binata. Halos sindak ang damdaming bumulalas sa pari ng ipagtapat ni Simoun ang kanyang lihim na katauhan -- ang kanyang tunay na pangalan.
VERSIONS
|
|
ADAPTATIONS
SUBLIMININALS
COMPOSITIONAL TONE
PLOT VARIATIONS
INTERPRETATIONS BY GENRE
PoV VARIATIONS
|
|
Mahaba ang naging pagtatapat ni Simoun at ng matapos ay inihingi ng tawad ni Padre Florentino sa Diyos ang mga naging pagkukulang nito. Hiniling ng pari na tanggapin niya at igalang ang kalooban ng Diyos. Mahinahon, itinanong ni Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng langit sa kanyang layunin na sinagot naman ng pari sa pagpapaalala sa kanyang hindi naging malinis ang kanyang pamamaraan.
'Ika ni Padre Florentino; "Ang poot ay walang nililikha liban sa takot. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig."
Tinanggap ni Simoun ang sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. Subalit itinanong nito na dahil sa pagkakamali ba niyang gayon kung kaya't ipinagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan -- ng kanyang bayan -- at sa halip ay iniligtas ang napakaraming higit pang mga salarin.
KABANATA XXXIX:
KATAPUSANG KABANATA
|
|
Kinuha ni Padre Florentino ang takbang bakal na naiwan ni Simoun. Dinala niya ito sa talampas na laging pinagpapalipasang oras ni Isagani sa paninisid-tingin ang kailaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ng yumaong si Simoun. At nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.
WAKAS
|
|
"Ang mga tapat at mabuti ay marapat lamang na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap," ang gayong itinugon ng pari.
Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Muli'y sinundan iyon ng dalawang magkasunod pang pagpisil. At nagbuntunghininga si Simoun.
Higit na mahabang katahimikan ang sumonod.
Nang mabatid na hindi na umiimik ang binata ay pabulong na nagwika ang pari; "Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat; ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin; ng apoy ng sigla na patay sa sa aming puso? O kabataan... kayo'y aming hinihintay!"
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari ng tuluyan na nitong bitiwan ang kamay ni Simoun. At nang tuluyan nang mabatid na pumanaw na ang binatang kanina lamang ay kausap pa, tinawag ni Padre Florentino ang mga utusan at pinaluhod ang mga ito upang kasama niyang manalangin.
Kinuha ni Padre Florentino ang takbang bakal ng yumaong si Simoun. Dinala niya ito sa talampas na laging pinagpapalipasang oras ni Isagani sa paninisid-tingin pasakailaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takbang brilyante at alahas ni Simoun.
At nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.
Kasama sa pagsisid na yaon ng kayamanang iniwan ni Simoun sa kailaliman ng buhanging banig-na-papag na kalaliman ng dagat ay ang pangako sa pagbubunsod ng minsay pa'y mga sariwang tagpo ng isang panibagong kwento...
Isang pangako ng katuluyan; ng panibagong pasimula. Na kung sino man ang mapalad na makasusumpong sa kayamanang yaon na ikinubli ng dagat sa kanyang pusod, nawa'y magdingas iyon ng panibagong apoy ng inspirasyon.
At sa pagliliyab nga ng mga pahina ng Animus Dictum, ang mga tagpong matutunghayan ay mga tagpong katuluyan ng minsan pa'y panibagong yugto ng muli pa'y panibagong kwento...