Ang DictionaryO ay talaan ng mga salita at kataga na ang pangunahing layunin ay ang ilahad ang pangkalahatang alituntunin sa wasto at katanggap-tanggap na pamamaraan ng pagbigkas ng gayong nakatalang mga salita at kataga.
PAGWAWASTO[]
Taliwas sa nakagawian at karaniwang tanggap na pakahulugan, ang DictionaryO ay hindi katalaan ng mga salita at kataga na ang pangunahing kahalagahan ay ilahad ang katuturan o pakahulugan ng mga salita. Ang katalaan ng pakahulugang nakapaloob sa DictionaryO ay upang gabayan lamang ang mananaliksik sa wastong gamit ng mga salita at kataga upang bigyang diin ang pagkakaiba ng mga yaon.
KAHALAGAHAN[]
Ang kalimbagan ng DictionaryO ay sadyang isinusulong upang bigyang pagkakakilanlan ang punto, diin, tunog, at iba pang palabigkasang alituntunin ng mga salita at kataga. Sa angking paraan ng pagbigkas, nabibihisan ang mga salita at kataga ng angking pagkakaiba hambing sa iba't-iba'ng mga maaaring kaparaanan ng paggamit ng mga ito sa pangungusap.
KABULUHANG PANGDICTIONARYO[]
Sa pagtatala ng wastong paraan ng pagbigkas ng mga salita at kataga, higit malawak na kabatiraan ukol sa kalikasan ng mga salita at kataga ang hatid ng DictionaryO liban sa pangkatuturan nitong kahulugan. Sa pagbibigay alituntunin sa wastong pamamaraan ng pagbigkas, nabibigyang diin ng DictionaryO (liban sa iba pa itong hatid na kabuluhan) ang pangrehiyong kasanayan ng wika na nakapaghahayag-katumpakan kung aling saling-lahi, kapanahunan, at panlipunang kalagayan nabibilang ang katalaan ng mga salita at kataga.