Ang kalimbagan ng Animus Dictum ay isa sa nalalabing patutuo na ang wika ay may angking buhay at kamalayan. Sa pagpapatunay, paninindigan ng Animus Dictum na sa kalipunan ng mga sulating natitipon sa mga pahina nito, mapagpapairal nito ang isang pangkalahatang alituntunin na siyang magsisilbing batayan at saligan ng lahat ng mga katuturan, kabuluhan, kahulugan, kahalagahan, kalikakasan at higit sa lahat ay batas na gagabay sa pagpapanatili ng kaayusan, katarungan at katuwiran sa bawat saklaw-mararating ng bawat uri at kalagayan ng kalahatang umiiral na kamalayan.